Kumbinsido si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na ang bangayan sa partidong uniteam ang isa sa mga dahilan ng pagtanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng National Security Council.
Ayon kay Senador Gatchalian, hindi na sikreto ang hidwaan sa pagitan ng dalawang matataas na opisyal ng bansa kaya’t hindi maiaalis na isa ang pulitika sa mga nagtulak sa desisyon ng Pangulo.
Sa kabila nito, iginagalang naman aniya ang hakbang ni Pangulong Marcos lalo na kung sa tingin ng Presidente ay ito ang makatutulong sa bansa. - Sa panulat ni Laica Cuevas