Umapela si Senador Sherwin Gatchalian kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pigilan ang Vigilante Killings sa mga suspected drug pusher.
Tiwala ang Senador na agarang aaksyon si Dela Rosa lalo pa’t siya mismo ang nagsiwalat sa publiko na may impormasyong nakarating sa kanya ukol sa lumalaganap na karahasan o patayang nangyayari sa pagitan ng mga magkakaribal na criminal syndicate.
Giit ni Gatchalian, mahalagang makontrol ni Dela Rosa ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagsiguro na mapipigilan ang paghahasik ng karahasan ng vigilante group.
Idinagdag pa ni Gatchalian na baka inaaakala ng mga vigilante na sila ay Noble Crusaders tulad ni Batman, pero ang katotohanan sila ay mga Vicious Criminal na kailangang managot din sa batas.
By: Meann Tanbio