Tiniyak ni Senate Energy Committee Chairman Sherwin Gatchalian na walang “browout” ngayong panahon ng tag – init o summer season.
Ito aniya ay dahil sa mahusay na “performance” ng mga planta ng kuryente.
Gayunman , agad na inihayag ni Gatchalian na posibleng magkaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente sa loob ng dalawang buwan dahil sa pagtaas ng presyo ng “coal na pangunahing ginagamit na panggatong ng mga “power generators”
Maaari aniyang umabot hanggang dalawampung (20) sentimo kada kilowatt hour ang magiging dagdag sa bayarin sa kuryente.