Ipinapaubaya ni Senador Christopher Bong Go sa liderato ng PDP-Laban Cusi Wing ang pagsagot at pagpapaliwanag sa inihayag ni Mayor Inday Sara na tinanggihan ng PDP-Laban ang alok at panawagan niya na suporta at pagkakaisa.
Gayunman, sinabi ni Senator Go na ang pagkakaalam nya wala silang tinatanggihan.
Bilang administration party, lagi anya silang nagsisikap na lumapit at makipag kaisa aa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito , sinabi ni Sara na matapos siyang makipag alyansa at magpasyang maging katandem ni Senator Bongbong Marcos,nanawagan siya ng suporta at pagkakaisa bagay na tinanggihan anya ng PDP-Laban.
Sa pasya naman ni Inday sara na makipag tandem kay dating Senator Bong Bong Marcos, sinabi ni Senator Go na we always wish her well.
Giit ng senador kung siya lang ang tatanungin, si Sara ang kanyang susuportahan sa pagka-bise presidente. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)