Nanawagan sa business community si Senador Bong Go para suportahan ang economic recovery plans ng gobyerno matapos ang pinsalang idinulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa kaniyang virtual meeting sa mga opisyal at miyembro ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated umapela si Go ng tulong sa mga isusulong na mga programa ng pamahalaan para mapabilis ang pagbangon at pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
Makakatulong aniya ang mga negosyante sa pamamagitan ng pag i invest sa mga probinsya at bibigyan ang mga ito ng insentibo upang mahikayat na mag negosyo sa mga lalawigan
Hiniling din ni Go sa pribadong sektor na tulungan ang gobyerno sa paglaban sa korupsyon at huwag kunsintihin kung mayruong lumalapit o humihingi ng suhol o nanggigipit sa mga negosyante.
Binigyang diin ni Go na unang gagawin ng gobyerno ay muling bubuksan at papalakasin ang Build, Build, Build Program at pagsasagawa ng mass hiring ng contact tracers para makapagbigay ng trabaho sa mga pilipino at hindi palaging umasa sa tulong ng gobyerno. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)