Nagpa-panic na umano si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon, kaya’t inuupakan siya habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa COVID-19 response fund ng DOH.
Matagal na aniyang ugali ni Pangulong Duterte na resbakan ang mga inaakala nitong kaaway ng administrasyon.
Nagpa-panic siya(Pangulong Duterte) ngayon, talagang…ugali niya ‘yan eh. Hindi ko maintindihan, dapat may dignidad ang Pangulo, mayroon kang programa mister President, nag-uulat ka sa taong bayan. Ang ginagawa mo naninira ka tinitira mo lahat ang akala mo kalaban mo at maaanghang ang sinasabi mo. Dapat mag-ulat ka nalang. Ang totoo niyan hirap na hirap na ang tao, nagugutom ang tao, walang trabaho ang tao at nagkakasakit ang tao…hindi mo pinag-uusapan ‘yun. Ang sinasabi mo magaling ako nagbabakuna ako, tumutulong kami dyan…bakit ‘di niyo i-unite ang tao?
Umapela naman ang senador sa punong ehekutibo na huwag pag-initan ang mga ahensyang tumatalima sa kanilang tungkulin tulad ng COA na nagbunyag ng mga katiwalian umano sa gobyerno.
Bakit niyo pinag-iinitan ‘yung mga taong nag-iimbestiga…kaya tuloy lumalabas na talagang may tinatago kayo, hindi naman namin sinasabi na guilty kayo pero lumalabas na napapaso kami d’un sa mga tao ninyo na hindi nagsasabi ng totoo at nahuhuling nagsisinungaling at hindi lang limpak, bulto-bultong kwarta ang nakukuha na hindi alam ng taong bayan…kaya pala walang ayuda, kaya pala walang hanap-buhay, kaya pala yung mga doktor, nag-aaklas na yung mga nurses, yung mga SRA hindi nila nakukuha, kaya pala nagugutom ang tao. So masama bang gawin namin ang tungkulin namin?
Si Senador Richard Gordon sa panayam ng DWIZ.—sa panulat ni Drew Nacino