Handa si Senador Richard Gordon na muling buksan ang imbestigasyon ng Committee on Justice hinggil sa isyu ng extra judicial killings.
Sa gitna na rin ito ng ginawang paghamon ni Gordon na maglabas ng ebidensya ang mga nanggigiit na kagagawan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasadya ng mga pulis ang serye ng pagpatay sa mga hinihinalang user at pusher ng illegal na droga.
Sinabi ni Gordon na kung nais naman ng may hawak ng ebidensya, magsampa na ang mga ito ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.
Pero, kung wala talagang maipiprisentang ebidensya, makatwiran lang na kanyang panindigan ang kanyang inakdang committee report kung saan nakasaad na totoong talamak na ang extra judicial killings.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno