Kinasuhan ng plunder sa Sandiganbayan ni Senador Antonio Trillanes si Senador Richard Gordon.
Sa kaniyang affidavit, inilahad ni Trillanes ang aniya’y paggamit ni gordon ng 193 milyong pisong PDAF nito mula 2004 hanggang 2011 sa Red Cross at nakipag sabwatan kay dating Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang para pondohan ang mga maanomalyang proyekto.
Ang mga nasabing proyekto, ayon kay Trillanes ay walang approval ng Board of Governors ng Red Cross, bukod pa sa walang bidding na malinaw sa procurement rules ng gobyerno para sa PDAF funded programs.
Sinabi pa ni Trillanes na bahagi din ng PDAF ay ginamit sa presidential campaign ni Gordon noong 2010 at senatorial campaign noong 2013.
Ipinabatid ni Trillanes na mayroon pang halos 91 milyong piso na unliquidated PDAF cash advances ang Red Cross sa ilalim ng liderato ni Gordon hanggang Marso 31, 2012.