Nagbanta si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na ipako-contempt si Wally Sombero kung hindi makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Inihayag ito ni Gordon makaraang sabihin ni Sombero na igigiit niya ang kanyang right against self-incrimination.
Kaugnay nito, sinabi ni Gordon na may karapatan naman si Sombero na gamitin ito, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede niya itong i-invoke.
By Meann Tanbio |With Report from Cely Bueno