Naniniwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Dick Gordon na maaaring gawing state witness sa bribery scandal sa Bureau of Immigration si dating Associate Commissioner Michael Robles.
Least guilty, aniya, si Robles at tila naging sunud-sunuran lang sa kanyang ka-brod na si dating Immigration Associate Commissioner Al Algosino.
Sinabi ni Gordon na kahit nilagay sa sasakyan ni Robles ang dalawang bag na may lamang tig-Sampung Milyong Piso, ibinigay niya naman ito kay Argosino kinagabihan.
Makabubuti, aniya, na isiwalat na lang ni Robles ang lahat ng kanyang nalalaman
Pakingan: Bahagi ng Pahayag ni Sen. Dick Gordon
By: Avee Devierte / Cely Bueno