Naniniwala si Senator Richard Gordon na may mga nagsabwatan nang bilhin ng gobyerno ang Dengvaxia sa halagang 3.5 billion pesos.
Ayon kay Gordon, hindi naman talaga kasali sa General Appropriations Act noong 2015 ang pondo para sa Dengvaxia.
Isiningit lang anya ito ng ilang opisyal ng gobyerno noon.
Ayon pa kay Gordon, hindi naman emergency ang kaso ng dengue sa Pilipinas kaya’t walang dahilan para madaliin ang pagbili ng Dengvaxia.
Nasa limang daang (500) kaso lang anya ng pagkamatay dulot ng dengue ang naitatala kada taon
Kinuwestiyon din ni Gordon ang ‘timing’ ng paglalaan ng pondo para sa Dengvaxia noong papatapos na ang 2016, ilang buwan bago ang eleksyon.