Magkakaharap na Sina Rizalito David at Sen. Grace Poe sa preliminary conference kaugnay ng quo warranto petition laban sa senadora.
Ayon kay Atty. Irene Guevarra, Tagapagsalita ng Senate Electoral Tribunal o SET, itinakda ang preliminary conference sa Setyembre 11, Biyernes ng naturang petisyon laban kay Poe.
Alinsunod sa alituntunin ng SET, obligadong dumalo ang respondent at ang petitioner sa nasabing preliminary conference.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)