Naghain na ang kampo ni Sen. Grace Poe sa Korte Suprema ng petisyon para maisalba ang kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections.
Sa 2 pahinang peition for certiorari, humiling ang kampo ng senadora ng Temporary restraining order sa Korte Suprema para mapigil ang Commisison on Elections sa impelementasyon ng ruling nadapat na syang idiskwalipika sa kanyang kandidatura.
Matatandaang, naglabas ang desisyon ang COMELEC noong December 23, na nagdidiskwalipika kay Poe upang tumakbong pangulo dahil sa citizenship at residency issue nito.