Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangang baguhin o amiyendahan ang umiiral na saligang batas upang makapagtakda ng kuwalipikasyon para sa mga magiging Pangulo ng bansa.
Inihayag iyan ng Pangulo kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation Chief Operating Officer Atty. Alfredo c. Lim kung saan, tila inendorso pa nito si Senadora Grace Poe.
Magugunitang natalo si Poe sa pagkapangulo sa nakalipas na halalan nang ibato sa kaniya ang isyu ng citizenship kung saan, lumabas na foundling o ampon si Poe makaraang hindi matukoy kung sino ang kaniyang mga magulang.
Batay kasi sa saligang batas, dapat natural born citizen ang isang nagnanais tumakbo sa posisyon ng Pangulo.
Kung si Pangulong Duterte umano ang tatanungin, taglay ni Poe ang mga katangian ng isang Pangulo subalit tila hindi sumang-ayon ang pagkakataon nang ilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito hinggil sa foundling.