Naniniwala ang isang election lawyer na walang dapat ikabahala si Senadora Grace Poe kaugnay sa mga disqualification case na isinampa laban sa kaniya.
Ipinaliwanag ni Atty. Romulo Macalintal na bagamat napagdesisyunan na ng COMELEC na ikansela ang candidacy ni Poe sa pagkapangulo ay maaari pa ma-idulog sa Korte Suprema.
Kahit aniya ang restraining order mula sa Korte Suprema na nagpapatigil sa COMELEC na ipatupad ang desisyon nito ay hindi pa naman urgent.
Ani Macalintal, sa oras na maihain na ni Poe ang kaniyang apela sa korte suprema, meron ng posibilidad na iko-consolidate na nito ang Senate Electoral Tribunal at ang COMELEC cases upang pabilisin ang resolusyon.
At kapag mangyari aniya ito ay maaari ng asahan ang pinal na desisyon ng Korte bago pa ang katapusan ng pebrero, 2016.
Dagdag ni Macalintal, sakali namang hindi ma-consolidate ang COMELEC at set cases ni Poe, maaari niyang mapabalik ang kaniyang posisyon bilang senador at madi-dismiss ang kaniyang citizenship case sa COMELEC.
By: Allan Francisco