Binasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan si Senador Gringo Honasan sa dalawang kaso ng graft.
Tumanggi si Honasan na magpasok ng plea kaya’t Korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador.
Una rito, humirit pa ng kanselasyon ng arraignment ang abogado ni Honasan dahil may mga naka – pending pa silang mosyon subalit hindi ito pinagbigyan ng Anti – Graft Court.
Si Honasan ay may kinakaharap na dalawang bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng PDAF para pondohan ang mga proyekto ng National Council of Muslim Filipinos.