Tigil putukan ang isa sa mahalagang dapat maikunsider ngayong balik negosasyon ang gobyerno at CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front .
Ayon ito kay Senador Gringo Honasan, chairman ng Senate Committee on Peace, Unification and Reconciliation dahil wala pang idineklarang tigil putukan na aniya’y bahagi ng confidence building measure.
Sinabi pa ni Honasan na dapat ay localized peacetalks ang ikasa para malaman kung may command and control pa rin ang gobyerno at NPA sa kanilang mga tropa.
Sa ganitong paraaan aniya ay magiging madali ang monitoring at paghahanap ng remedyo sa posibleng paglabag ng magkabilang grupo.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno