Maghahain si Senate Commitee on Women; Children; Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros ng substitute bill para sa Senate Bill 1979 o panukalang Adolescent Prenancy Prevention.
Kasunod ito ng pagbawi ng pitong senador sa kanilang pirma sa Commitee report ng nasabing panukala.
Ayon kay Senador Hontiveros, ang Principal Author ng panukala, nauunawaan nya na may mga kunsiderasyon ang ilang kapwa senador kaya binawi ng mga ito ang suporta sa panukalang tutugon sa pagtaas ng teenage pregnancy sa bansa.
Binigyan-diin ng Senador na sana, sa paghahain niya ng panibagong panukala, mapag-aralan na itong mabuti ng mga kasamahan sa Senado. – Sa panualtn i Kat Gonzales