Nangangamba si Senador Rizza Hontiveros na baka gumawa ng bagong unit ang Pangulong Rodrigo Duterte, panlaban sa ilegal na droga.
Sinabi ito ng Senadora matapos buwagin ng Pangulo ang Anti – Illegal Drugs Unit ng Philippine National Police kasunod ng pagkakasangkot ng ilan sa tokhang for ransom.
Sa kabila nito ay sinabi din ng Senadora na masaya siya sa pagsususpindi sa Oplan Tokhang para mabigyang daan ang paglilinis ng PNP sa kanilang hanay.
By: Katrina Valle / Cely Bueno