Makadaragdag lang daw sa magulo ng sitwasyon at sistema ng gyera kontra iligal na droga ang balak ng gobyerno na gamitin ang militar sa anti-drug operation.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, kung hahayaan ang Armed Forces of the Philippines na magpatupad ng depektibo at naaabusong estilo sa war on drugs, baka matulad lang din ang mga sundalo sa nangyari sa mga pulis na nagsamantala at umabuso sa Oplan Tokhang.
Ipinaalala ni Hontiveros na iba ang mandato at orientation ng AFP sa PNP bagaman kapwa aniyang lehitimong armed groups ang mga ito.
Para, aniya, sa law enforcement at sa pag-aresto ng mga kriminal ang pulis habang sinanay ang militar sa combat duties.
Hindi lang, aniya, mapanganib kundi tila magpapanumbalik sa mga nangyari noong Martial Law ang balak ng gobyerno na gamitin ang militar sa anti-drug campaign.
By: Avee Devierte / Cely Bueno