Tiniyak ni Senator Risa Hontiveros ang pagiging patas at objective sa paghatol sa impeachment case laban kay vice President Sara Duterte.
Sa kabila ito ng pag-amin na may namumuo na siyang opinyon o judgment sa matagal ng mga isyu at performance ni VP Sara.
Paliwanag ng senador, kung may namumuo man siyang judgement laban sa Bise-Presidente, ito ay dahil sa mga nagdaang imbestigasyon sa mga isyu na pinagtalunan sa Senado kung saan ilan ay napasama sa grounds na nakapaloob sa article of impeachment. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)