Pinili ni Sen. Imee Marcos na mamahagi na lamang ng ‘Nutribun’ at tulong pinansyal sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa Cavite.
Ito’y isang araw bago ipagdiwang ang kaarawan ng senador.
Ayon kay Marcos, ginawa niyang Children’s Party ang kanyang kaarawan, sa kahilingang mabawasan ang kahirapan sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nilibot ng senador ang tinamaan ng sakuna sa bansa at namahagi rin ng ‘Nutribun’ na nakuha niya mula sa Administrasyon ng kanilang ama.
Matatandaang ‘Nutribun’ ang ipinamahagi ni Marcos Sr. sa mga mag-aaral sa elementarya mula sa pampublikong paaralan upang tugunan ang malnutrisyon sa Pilipinas. —sa panulat ni Jenn Patrolla