Nagsimula nang mamahagi si Senator Imee Marcos ng nutribun para sa mga bata at kani-kanilang pamilya sa Tanay, Rizal.
Nasa 3,000 batang edad tatlo hanggang lima ang nakatanggap ng nutribun bilang bahagi ng tatlong buwang feeding program.
Ayon kay Marcos, ang mga nasabing tinapay ay siksik sa protina at vitamin A, B1 at C at maaaring makatulong sa pag-iwas sa undernourishment.
Matatandaang mula noong maging senadora si Marcos noong 2019, ay isinusulong niya na ang muling pagbuhay sa programang sinimulan ng kanyang yumaong ama na si President Ferdinand Marcos Sr.
May iba’t iba din itong flavor tulad ng ube, tsokolate, mungo at keso, nagbigay din sila ng lugaw at masustansyang powder drinks para sa mga bata. —sa panulat ni Hannah Oledan