Tiwala si Senador Imee Marcos na tinigilan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-inom ng alak at pagkain ng mga ipinagbabawal ng doktor.
Reaksyon ito ni Marcos sa pag-amin ng pangulo na sinabihan siya ng doktor na maaaring mauwi sa stage one cancer ang kanyang Barrett’s esophagus.
Kasabay nito ay umapela si Marcos sa mga taong nakapaligid sa pangulo na iwasang abutan ito ng baso o wag nang painumin ng alak at huwag na ring mag iskedyul sa gabi na maaari nitong ikapuyat.
Ayon kay Marcos, nagkakaraoke ang pangulo para ma relax pag-pressured sa trabaho pero karaniwan ay inaabutan ito ng alak.