“Konting respeto naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.”…
Yan ang apela si Senator Imee Marcos sa mga nagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Senator Marcos na mismong ang Pangulo nga ay hindi pabor na patalsikin sa pwesto ang Bise-Presidente dahil maaapektuhan lamang ang trabaho ng mga kongresista’t senador.
Aniya, hindi rin makabubuti at makagaganda sa buhay ng sambayanang pilipino ang pag-impeach kay VP Sara dahil sangkaterba pa ang mga problemang mas dapat pagtuunan ng mga mambabatas.
Aminado naman si Senator Marcos na may sariling mundo ang kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez, kaya may sarili ring direksyon ang kamara.
Payo ng senador kay Speaker Romauldez na makinig naman kay Pangulong Marcos at isantabi muna ang pansariling ambisyon sa 2028 elections, gayundin ang kanyang galit at hinanakit kung meron man.