Humirit ng limang oras na furlough ang nakakulong na senador na si Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan.
Sa kaniyang 4-pahinang mosyong inihain sa Anti-Graft Court, hiniling nito na payagan siyang makalabas ng piitan para makadalo sa kaarawan ng kaniyang inang si dating unang ginang at Senador Loi Ejercito sa susunod na linggo.
Kung papayagan, alas-8:00 ng gabi ng Hunyo 2, araw ng Martes hanggang ala-1:00 ng madaling araw ng Hunyo 3, araw ng Miyerkules hiniling ni Estrada na makalabas ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame.
Gagawin ang thanksgiving dinner ni Dra. Loi sa Blue Leaf Events Pavillon at Filipinas Asiana City sa lungsod ng Parañaque.
By Jaymark Dagala