Aminado si Senador Joel Villanueva na nasaktan siya sa inilabas na dismissal order laban sa kaniya ng tanggapan ng Ombudsman.
Ito’y makaraang mapatunayan umano ng Ombudsman na nakinabang si Villanueva sa Multimilyong Pisong pork barrel fund scam ni janet Lim Napoles na ipinaraan sa National Agribusiness Corporation o NABCOR.
Kasunod nito, umaasa si Villanueva na pakikinggan ang kaniyang inihaing motion for reconsideration sa Ombudsman sabay giit na inosente siya sa nasabing anomalya.
Sen. Villanueva pinayuhan ng kapwa Senador na dumulog sa SC
Pinayuhan ng mga kapwa mambabatas si Senador Joel Villanueva na dumulog na sa Korte Suprema hinggil sa dismissal order ng Ombudsman laban sa kaniya.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kaniyang pag-aaralan ang nasabing kautusan at bibigyan niya si Villanueva ng kaukulang payong ligal.
Para naman sa kaalyado ni Villanueva na si Senate President pro-Tempore Franklin Drilon, mahalagang i-akyat ni Villanueva ang usapin upang mabatid kung saklaw ng kapangyarihan ng Ombudsman na tanggalin siya bilang miyembro ng Senado.
Ipapasa naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto sa Senate Committee on Rules ang naturang kautusan at aanyayahan nito ang legal team ng Senado para talakayin ito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno