Binigyan na ng “Go Signal” ng Sandiganbayan ang pagbiyahe ni Senador JV Ejercito sa Tokyo, Japan para dumalo sa Global Health Forum.
Ito’y matapos aprubahan ni Sandiganbayan 6th Division Chairman Associate Justice Rodolfo Ponferrada ang motion to travel ni Ejercito sa Tokyo mula August 23 hanggang 26.
Sa kabila ito ng pagtutol ng state prosecutors mula sa Office of the Ombudsman
Kalakip ng mosyon ni Ejercito ang authorization to travel na pirmado ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel.