Ayaw pang umatras ni Senador JV Ejercito sa kanyang laban sa senatorial race.
Ito ayon kay Ejercito ay bagamat maliit na lamang ang tiyansa niyang makapasok pa sa top 12.
Sinabi ni Ejercito na ayaw pa niyang sumuko dahil sa mga taong nag trabaho talaga sa kaniyang kampanya.
Kasabay nito, sinisi ni Ejercito ang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada sa kaniyang puwesto sa senatorial race at ito ay hindi na dapat tumakbo rin at ang aniya’y pang-iisnab sa kaniya ng Iglesia ni Cristo.
Kung hindi aniya tumakbo si Jinggoy at nakuha niya ang endorsement ng INC, posibleng nakakuha siya ng 19-M votes.
Sakaling tuluyang matalo, sinabi ni Ejercito na bukas naman siyang maitalaga sa anumang puwesto sa gabinete na may kaugnayan sa infrastructure, health o local government.