Umamin si Senator JV Ejercito na tinangka siyang ligawan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para umanib sa Liberal Party, at makasama sa ipinatutupad na reporma.
Sinabi ni Ejercito na hindi niya tinanggap ang alok, dahil bukod sa hindi sila magkapareho ng kulay sa pulitika, hindi din naman siya gustong makasama ng LP boys.
Sa kabila nito, nananatili pa din aniya silang matalik na magkaibigan, at madalas silang magkasamang mag-golf.
Loyalty check sa UNA
Iminungkahi naman ni Ejercito ang pagkakaroon ng loyalty check, sa mga kaalyado ng United Nationalist Alliance o UNA.
Sa gitna ito ng napipintong consolidation of forces ng UNA, para sa 2016 elections.
Sinabi ni Ejercito na mainam na magkaroon ng loyalty check, upang malaman kung sino pa sa mga kaalyado, ang nananatili at maituturing pa din na kaalyado.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)