Mariing itinanggi ni Senator JV Ejercito ang ibinabatong akusasyon sakaniya ng mga netizen na siya ay nakabuntis ng isang chief of staff.
Kasunod ito ng kumakalat na blind item sa social media na may isang senador ang nakabuntis sa kaniyang chief of staff kung saan, direktang inakusahan ang senador ng isang netizen.
Ayon kay Sen. Ejercito, hindi totoo ang kumakalat na balita tungkol sakaniya at kasinungalingan ang ibinibintang sakaniya.
Iginiit ng mambabatas na siya ay may asawa at huwag nang idamay ang kaniyang tahimik na pamilya.
Sinabi pa ni Sen. JV na siya ay responsableng nagtatrabaho kaya huwag siyang idamay sa mga chismis at tigilan na ang pagpapakalat ng mga isyu dahil kawawa lang ang mga inosenteng tao na nadadamay sa mga maling impormasyon.