Nakatakdang magpatawag ng pulong si Senator JV Ejercito para mamagitan sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board at TNVS o Transport Network Vehicle Services na nangangasiwa sa Uber at Grab.
Ayon kay Ejercito, ito ay upang makabuo ng solusyon o compromise agreement ang magkabilang panig at maiwasan ang pagpapataw ng service ban sa Uber at Grab simula sa Hulyo 26.
Aniya, wala siyang ng pinapanigan sa usapin pero mahalaga aniyang maikunsedera ang lahat ng posibleng remedyo para sa convenience at kaligtasan ng mga mananakay.
Giit pa ni Ejercito, ngayong may maganda nang serbisyong nai-aalok ang Uber at Grab ay bakit kailangan pang pigilan ito ng LTFRB.
Dagdag ng senador, dapat ay maging pursigido rin ang LTFRB na patawan ng parusa ang mga abusadong taxi drivers.
- Krista De Dios | Story from Cely Bueno