Kinumpirma ni Senate Committee on Health chairman JV Ejercito na nilagdaan na niya ang inilabas na ulat ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito’y kaugnay ng kontrobersiya sa pagbili ng mga anti-dengue vaccine na Dengvaxia kung saan, idiniin sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Department of Budget and Management Secretary Butch Abad at dating Health Secretary Janette Garin.
Sa panayam ng DWIZ kay Ejercito, sinabi nito na bagama’t mayroon siyang reservation sa nasabing committee report, hindi naman aniya ito nangangahulugang absuwelto na agad sa kaso ang dating Punong Ehekutibo.
Hindi ako naniniwala na involved si ex-President Aquino sa graft and corruption, but that doesn’t mean na wala siyang liability. May liability pa rin because of negligence and command responsibility, so tingin ko ‘yung ganoong kalaking halaga na ginastos sa pag-administer ng vaccination program, imposibleng matuloy ang transakyon na iyon ng walang approval ng presidente. Pahayag ni Ejercito
Bagama’t una nang iginiit ni Ejercito na sina Garin at Abad ang may malaking pananagutan sa naturang kontrobersiya, tila iba naman ang tono nito kay dating Health secretary Paulyn Ubial.
During the time of Ubial, sinuspend niya ‘yung vaccination program. Naalala ko, na-pressure siya doon sa Commission on Appointments, kasi may mga katanungan na bakit mo hinahayaan na mag-expire ang mga dengue vaccine na ‘yan, sa akin, she suspended it. She was just pressured to implement it. Paliwanag ni Ejercito
Dagdag pa ni Ejercito, maliban sa kanya, pumirma na rin sa report sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Richard Gordon.