Personal na nakausap ni Senador JV Ejercito ang malalaking organisasyon ng mga Pilipino sa Paris, France.
Kasama ni Ejercito si Philippine Ambassador to France Theresa Lazaro at ang consul ng embahada ng Pilipinas sa pagharap sa Filipino community doon.
Ipinaliwanag ni Ejercito sa mga nasabing Pinoy ang sitwasyon ngayon sa Pilipinas. Napag-usapan din ang inihaing panukalang batas ng senador para sa mga overseas filipino workers, partikular ang pagsasabatas ng overseas legal assistance fund.
By Meann Tanbio (With report from Cely Ortega-Bueno)