Pinayagan ng Sandiganbayan si Senador JV Ejercito na makapag-biyahe sa France para sa isang official visit.
Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan na kailangang magsumite ng mga dokumento si Ejercito bilang patunay nang idinadahilan nitong inter parliamentary visit mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 3.
Kabilang sa mga dokumentong ito ang travel authority mula kay Senate President Koko Pimentel at official itinerary.
Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng matataas na kalibre ng baril na nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso (P2-M) noong mayor pa siya ng San Juan.
By Judith Estrada – Larino