Sinabihan ni Senator JV Ejercito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iprayoridad ang ‘peace and order’ sa bansa.
Kaugnay ito sa ikakasang imbestigasyon ng senado kaugnay sa sunod-sunod na kaso ng kidnapping sa kabataan partikular sa mga kababaihan.
Ayon kay Ejercito, dapat ipakita ni Pangulong Marcos na kontrolado nito ang sitwasyon at prayoridad nito ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Binigyang-diin din ng senador na mahalaga ang peace and order para maisakatuparan ang layunin ng punong ehekutibo na ibangon ang ekonomiya ng bansa matapos maapektuhan ng pandemya.
Samantala, tingin ng mambabatas ay sinusubukan lamang ang katatagan ng administrasyong Marcos at pamunuan ng PNP ng sunod-sunod na kaso ng pangingidnap. —sa panulat ni Hannah Oledan