Inihayag ni Senator Koko Pimentel sa susunod na administrasyon na ikonsidera at huwag tanggihan ang alok ng Russia na magsuplay sa ating bansa ng petrolyo.
Ayon kay Pimentel, maaari naman na kausapin at pakiusapan ng palasyo ang Amerika na huwag parusahan ang pilipinas kapag bumili ng petrolyo sa naturang bansa.
Aniya, pwedeng ipaliwanag ng malakanyang sa Estados Unidos na nalalagay ngayon sa alanganin ang bansa dahil sa supplay at presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang, nagpahayag ang pilipinas ng pakikiisa sa Estados Unidos at iba pang bansa sa pagkundena sa paglusob ng Russia sa Ukraine at itinigil din ng mga bansa ang importasyon ng langis mula sa Russia.