Nagbatuhan ng akusasyon sina Senador Ping Lacson at outgoing Customs Commissioner Nic Faeldon sa issue ng smuggling activities sa Bureau of Customs.
Ayon kay Faeldon, numero unong smuggler ng semento ang anak ni Lacson na si Panfilo Junior o Pampi sa pamamagitan ng kumpanya nitong Bonjourno na may 20,000 Pesos lamang na kapital pero may kakayahang mag-import ng bilyung-bilyong Pisong halaga ng mga produkto.
Maliban dito, tinangka din anyang suhulan ni Pampi ang isa sa kanyang staff.
Naniniwala naman si Faeldon na ito ang dahilan kung bakit siya siniraan ng Senador para mapagtakpan ang ilegal na gawain ng anak nito.
Sa huli, hinamon ni Faeldon ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang pagkakasangkot ng anak ni Lacson sa smuggling sa Customs.
Sinagot naman ng nakatatandang Lacson ang buwelta ni Faeldon at nanindigang malinis at ligal ang negosyo ng kanyang anak.
Palaisipan din para sa mambabatas kung bakit tumagal bago nagsampa ng kaso laban sa kanyang anak kung sangkot talaga ito sa smuggling activities.
By: Drew Nacino
SMW: RPE