Binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine National Police dahil sa mabagal at pagiging malambot kay SPO3 Ricky Sta. Isabel na sangkot sa kidnapping at pagpapatay sa isang Koreanong negosyante.
Sinabi ni Lacson na naaresto na at nasa kustodiya na ng pulisya si Sta. Isabel kayat dapat ay mabilis na ang pag-usad ng kasong isinampa laban sa kanya.
Naniniwala ang Senador na dapat mas laliman pa ang imbestigasyon para mabunyag ang mga kasabwat ni Sta. Isabel.
Naniniwala si Lacson na hindi magiging ganoon kalakas ang loob ni Sta. Isabel sa kanyang illegal na aktibidad kung walang taong nasa likod nito na kumukumpas sa kanya.
By: Aileen Taliping