Hindi umano dapat maging issue ang namumuno sa Commission on Human Rights sa pagpapasya kung dapat bang hindi ito bigyan ng budget ang naturang komisyon.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, nilikha ang CHR sa ilalim ng konstitusyon na may mandatong protektahan ang karapatang pantao kaya’t ang tanong ay kung makatwiran bang alisan ito ng budget.
Si Lacson ang mag-i-sponsor at mag-de-depensa ng budget ng CHR sa plenaryo.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE