Dismayado si Senador Panfilo Lacson sa pagbasura ng DOJ sa kaso laban sa ilang miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay nang pagkamatay ni Horacio Atio Castillo the Third.
Ito ayon kay Lacson ay dahil posibleng may na overlook na mga ebidensya ng hinihinalang cover up ang DOJ sa naturang kaso.
Kabilang sa mga ebidensyang ito aniya ang authenticated contents ng group chat ng mga miyembro at officers ng fraternity maging ang mga video footage at iba pang dokumento.
Sinabi ni Lacson na sapat na ang mga nasabing ebidensya para makitaan ng DOJ ng probable cause at kasuhan ang iba pang miyembro bilang accessory to the crime.
Una nang kinasuhan sa paglabag sa anti hazing law sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Axel Munrio Hipe, Danille Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.