Hindi kumbinsido si Senador Panfilo Lacson ang pagdadawit ng isa umanong bagman kina Senate Minority Leader Franklin Drilon at dating Interior Secretary Mar Roxas sa illegal drugs syndicate sa Visayas partikular sa Iloilo.
Ito, ayon kay Lacson, ay dahil bukod sa sobrang kilala niya sina Drilon at Roxas, napakahirap paniwalaan ang alegasyon na nagmula sa bagman o karibal ng napatay na drug lord na si Melvin Odicta.
Dahil patay na anya si Odicta, wala ng maaaring magkumpirma o magpasinungaling sa akusasyon na sangkot sa illegal drugs operation sina Drilon at Roxas.
Wala pang tugon sa naturang alegasyon si Drilon na kasalukuyang nasa labas ng bansa si Drilon para sa inter-parliamentary union, pero iginiit ng kanyang ka-partido at Liberal Party President na si Senador Kiko Pangilinan na kasinungalingan ang bintang na isang uri ng panggigipit sa oposisyon.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno