Hindi sang-ayon si Senador Panfilo Lacson sa mga nananawagan sa pagbibitiw ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “bato” Dela Rosa.
Ayon sa Senador, dapat bigyan ng pagkakataon si Dela Rosa na makabawi sa mga posibleng naging pagkukulang nito bilang pinuno ng pambansang pulisya.
Pero kailangan din aniyang iwasan ni Dela Rosa ang mga hindi masyadong importanteng aktibidad at sa halip ay mag-focus sa kanyang tungkulin bilang pinakamataas na opisyal ng PNP.
Sinabi ni Lacson na kilala niya ang pagkatao ni Dela Rosa bilang dating boss nito sa PNP.
Mas maganda aniyang bigyan ng pagkakaton si Dela Rosa na makabawi, mag-refocus ng kanyang mga prayoridad at iangat ang PNP ng 24/7.
By: Aileen Taliping