Kikilatisin ni Senador Panfilo Lacson ang pinirmahang 2017 national budget ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Lacson, hahanapin niya kung vineto ni Pangulong Duterte o kung pinanatili lang sa budget ang pork barrel items na kaniyang nadiskubre noong tinatalakay nila ito sa Senado.
Matatandaang nanawagan si Lacson na tapyasin sa budget ang nasilip na pork barrel at kung hindi ay idudulog niya ito sa Supreme Court.
Nagprisinta pa ang Senador na ituturo sa Pangulo kung nasaan ang pork barrel na isiningit ng mga kongresista sa DPWH, Department of Education, Department of Agriculture at Department of Health.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno