May hawak na listahan si Senador Panfilo Lacson ng umano’y mga bagman ng Customs officials na tumatanggap ng payola.
Kabilang dito ayon kay Lacson ang sinasabing bagman ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Sinabi ni Lacson na may ilang pangalan sa listahan nila ang hindi kasama sa listahan ni Mark Taguba at wala naman aniya rito ang anak ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Hindi naman tinukoy ni Lacson kung sino ang nagbigay sa kaniya ng nasabing listahan.
Samantala tiwala si Lacson na ngayong araw na ito ay mabibigyan na sila ng pagkakataong makapagtanong sa panibagong hearing ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersya sa Customs.
Inaasahan namang haharap na sa pagdinig ngayong araw na ito si Faeldon na una nang hindi nakadalo sa nakalipas na Senate hearing matapos ma ospital.
By Judith Larino / (Ulat ni Cely Bueno)