Hinala ni Senador Panfilo Lacson na Liberal Party ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y pinopondohan ng mga Mining Company para pabagsakin ang administrasyon.
Ayon kay Lacson, may dating taga-Liberal Party na nasa industriya ng minahan na tumulong nang husto sa nakalipas na eleksyon para sa kandidatura ng pambato ng Liberal party na si Mar Roxas.
Sinabi ni Lacson na malamang na tinutukoy ng Pangulo si Eric Guttierrez na may-ari ng minahan at may malaking kontribusyon para sa pangangampanya ni Roxas.
Samantala, may kinuhanan, aniya, ng nasabing impormasyon ang Pangulo dahil nakatatanggap siya ng intelligence reports.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson
By: Avee Devierte / Cely Bueno