Nababahala umano si Senador Panfilo Lacson sa aniya’y kaangasan ng mga pulis na isinasangkot sa pagkamatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Sinabi ni Lacson na pinaslang ng mga nasabing miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group ng Eastern Samar si Espinosa nang wala man lang konsepto ng pananagutan.
Hindi, aniya, maganda ang kanilang paliwanag na nag-ugat sa hindi magandang motibo, intensyon, pagpaplano, pagsasagawa ng naturang plano, at koordinasyon.
Partikular na tinukoy ni Lacson ang pag-uugali nina Superintendent Marvin Marcos at Chief Inspector Leo Laraga na bumaril kay Espinosa noong madaling araw ng Nobyembre 5 sa loob mismo ng selda nito sa Leyte.
By: Avee Devierte