Ipinahayag ni Presidential Aspirant Senator Panfilo Lacson ang pagnanais na gawing face-to-face o hybrid ang debate ng mga tatakbo sa pagka Pangulo sa Eleksyon 2022.
Aniya, iba pa rin kung magkaharap ang mga kakandidato sa isang debate kung saan ito umano ang inaabangan ng mga pilipino upang makilatis ng husto kung sino ang iboboto.
Bagay na sinang-ayunan naman ng iba pang tatakbo sa pagkapangulo na sina Vice-President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Senator Ronald Dela Rosa, Labor Leader Leody De Guzman at Manila Mayor Isko Moreno.
Samantala, nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa nasabing debate ang ibang mga senador. —sa panulat ni Airiam Sancho