Tiwala si Senador Panfilo Lacson na hindi mawawalan ng pondo ang Oplan Double Barrel ng Philippine National Police o PNP.
Ito ay matapos na alisin ng Senado sa kanilang bersyon ng 3.7 trillion 2018 national budget ang 900 milyong piso na para sana sa Oplan Tokhang ng PNP.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maaring kumuha ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte sa “special purpose funds” oras na matuloy ang plano nitong ibalik sa PNP ang “war on drugs” ng pamahalaan.
Sinabi ni Lacson na aabot sa 75 bilyong piso ang “special purpose funds” ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Nabatid na inilipat ng senado ang 900 milyong piso na para sana sa oplan Double Barrel sa housing project ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP).