Plano ni Senate Committee on Foreign Affairs Chairman Panfilo Lacson na hingin ang permiso ng mayorya ng miyembro ng Commission on Appointments para ikumpirma si bagong DFA Secretary Alan Peter Cayetano by acclamation.
Ibig sabihin, maaaring isuspinde na ang ipinaiiral na rules ng CA at huwag nang obligahing magpasa si Cayetano ng mga kaukulang requirements .
Paliwanag ni Lacson, ito’y bilang courtesy kay Cayetano bilang kapwa mambabatas at bilang miyembro na rin ng CA.
Nais aniya niyang agarang makumpirma si Cayetano para agad itong opisyal na makaupo bilang kalihim ng DFA, dahil nomination at hindi appointment ang ginawa sa pagtatalaga sa kanya sa pwesto.
Lumilitaw na maaari lamang maupo si Cayetano sa DFA kapag nakumpirma na.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno